Ang Panday Episode 1 Screencaps - 11/09/2005










If you use the images on your website, please provide a link back to the Ang Panday blog at http://ang-panday.blogspot.com.
A meteor crashes into the desert of Sto. Sepulcro. Flavio, the panday of the community, forges a dagger and a churchbell from the remains of the meteor. He uses the dagger to fight off the Sombra Oscura, the minions of evil, who constantly attacks the town. By some mystical power, the dagger of Panday transforms into a great sword every time he wields it in defense of the people of Sto. Sepulcro.










8 Comments:
maganda ang panday. inaabangan nga naming pamilya. ang kaso mas marami ung commercial kesa sa palabas. parang 10 mins lang ung palabas. ung naguumpisa ang darna matagal rin ung commercial pero matagal rin ung palabas. masyado n nga siyang gabi ipalabas tapos konti lang mapapanood. dahil dami ng commercial.
sana sa comment kong ito mabago. ang dami pa naman nagaabang ng panday. sana ung mga nananood nito masulit ung kanilang panonood. gustong-gusto nga ng anak ko at ang theme song nito.
bawasan nyo naman po ang commercial. kasi po mas marami ang commercial kesa sa palabas.
panday is cool but can you guys decrease the comercials? i get bored with it... sometimes i even get a sleep because of the comercials... and sometimes i get late for school, but who cares! i still luv paday forever! no offense but GMA doesn't have any creativity and realistc stuff... they lost because of panday and PBB. i will be a kapamilya even here in U.S!!! luv it!
grabe ang ganda talaga ng panday.
kahit nga ang sugo,engkantadia t darna natalo ang ratings nito. wala natalaga ang GMA laos na. hinsi talaga ako nagagandahan sa mga show ng GMA.
SAAN NAGKAMALI ANG 'PANDAY' NG ABS-CBN?
(Kasalanan 'yan nu'ng mga taong nagmamarunong sa Dos!)
Ano ang nangyari sa Panday ng ABS-CBN? Bakit hindi yata pumalo sa inaasahang mataas na ratings na makukuha? Kaya tuloy ang masakit na biruan ngayon sa mga hindi maka-ABS ay "Pandoy" daw ang dapat itawag sa kauna-unahang sineserye ng DOS na ginastusan ng milyun-milyon na tulad ng mga piling-piling pelikula ng Star Cinema na ang location ay ABROAD at SHOWN AROUND THE WORLD, itong si "Pandak" (isa pang tawag kay Pandoy, kasi raw mababa ang ratings kaya siyempre, pandak!) ay on location around the Philippines na yata!
Nagsimulang magkuhanan sa Ilocos Region, napunta sa Rizal province, dumayo sa Laguna, bumiyahe sa Bohol at ngayon ay papaakyat ng Sagada, Mountain Province at dadalawin yata ang set ng movie nina Juday at Papa Piolo kung saan doon din nagsu-shooting ang Global Loveteam. Don’t tell me gagaya pa ‘yan sa mga pelikula ni Claudine na sa abroad pa magteteyping in the future huh! And why not nga pala?
Saan nagkamali ang Panday if ever? Bakit ayaw itong umakyat sa mataas na ratings na inaasahan?
Panday is a classic novel of our friend Carlo J. Caparas which injected added serum to the already popular action hero then, my late bestfriend The FPJ. Kung papaanong nakilala si Sylvester Stallone as "Rocky" at umiba siya ng papel sa isa pang katauhan as "Rambo", ganitong fame rin ang inilatag ng Panday sa kasikatan ni FPJ na noon ay kilala na bilang Number One sa mga cowboy films, mga pelikulang may kabayu-kabayuhan.
The now Senator Bong Revilla tried once to simulate FPJ’s Panday but the result was not as astounding as when FPJ did his.
Si Toto Natividad ay isang magaling na action director. Bihira na sa paligid natin ngayon ang mga directors na TUNAY na lalake, the field now dominated by the Gays and the Lesbians. But despite the Gay and Lesbian revolution in the local cinema, Toto stood as hard as his hard-hitting action films which segregated him totally from the swishy action films done by my colleagues. Therefore may sariling tatak na si Toto Natividad na kanyang-kanya lang na pag napanood mo ang gawa niya hindi mo sasabihing trabaho ‘yan ng isang Bading!
Sky is the limit ang budget ng Panday. Talagang pinakawalan ng ABS-CBN ang mahigpit na hawak nila sa kaban ng yaman just to make this project totally different and one of a kind sa larangan ng panooring pantelebisyon. Kitang-kita naman sa mga opticals and modern gadgets na ginamit na hindi ordinyarong panoorin ito, masasabi ngang MADE FOR TV MOVIE ito!
Jericho Rosales is the perfect choice among the young actors to play the title role. Malaki ang belief ko sa acting ability ni Jericho. Malayung-malayo na ang image niya sa binatilyong nanalo lang sa pakontes ng EAT BULAGA na "Mr. Pogi". Sinubaybayan namin ang pagtahak ni Jericho sa larangan ng pag-arte. Bawat role na ma-assigned sa kanya ay nabibigyan niya ng hustisya at tamang depth ng kaseryosohan sa pag-arte. So much so that we named him as the heir to the throne of the late Dindo Fernando na anumang role ang ibigay mo ay maluwag niyang nabibigyan ng sapat na hustisya!
Iisipin mo nga na with such magnitude, how can a project go wrong? BUT what went wrong?
I would say KASALANAN din naman ng ilang nag-aakala that "they" know what they are doing WHEN in truth and in fact naman ay talagang HINDEEEEEHHHH!!!! Why, wika n’yo?
Sa bakuran ng ABS-CBN and STAR CINEMA, Jericho was given the best teleserye, the choicest movie roles (as in Tanging Yaman) and the best handlers this side of local showbiz. But some people there do not understand the meaning of KARMA, or BUWELTA or BOOMERANG. Alam n’yo ba kung bakit? The people there DESTROY their own stars to the point of KILLING them na para bang ang motto nila ay kaya nilang BUHAYIN ANG BANGKAY!
Ipinahiram si Jericho Rosales sa kumpanyang gumawa ng SANTA SANTITA with Angelica Panganiban as leading lady under the direction of Laurice Guillen who made a total actor of Jericho in TANGING YAMAN.
Pero anong ginawa ng Star Cinema people nu’ng i-showing na ang SANTA SANTITA? Tinapatan nila ito ng isang pelikulang gawa ng Star Cinema at komo they have the network to drum up interest sa movie nila and drown into oblivion ang kalabang pelikula, Star Cinema made it appear na nag-FLOP ang Jericho-Angelica movie at inilampaso ng movie starred in by newcomers with unproven box-office intakes.
Gusto sigurong palabasin ng ibang tao sa Star Cinema na kapag sa labas ng Star Cinema gumawa ng pelikula maging their biggest box-office stars eh hindi kumikita, making it appear as if Star Cinema is the ONLY movie outfit na MARUNONG gumawa ng pelikula, na Star Cinema lang ang gumagawa ng pelikulang klik sa takilya at dinudumog ng mga tao!
Coming from a supposed FLOP of Santa Santita, anong nangyari sa movie starred in by Claudine Barretto, Diether Ocampo and Jericho Rosales na NASAAN KA MAN? Well, I don’t know your whereabouts! Why ask me? Nasaan ka nga ba?
So parang STRIKE TWO na for Jericho. Eh alam naman nating sa local showbiz (nga lang kaya?) ang kasabihang "They come in THREES". So kung mahina ang dalawa, eh di pati na ang pangatlo! Kaya ba itong multi-million project na PANDAY ang tinamaan (ng lintek)? Well I don’t know about you.
Ayaw n’yong maniwala huh? Puwes, read on.
Ang kapareha ni Jericho at title role pa mandin bilang SANTA SANTITA ay itong si Angelica Panganiban nga. Eh di ba si Angelica ang kapareha rin ng Papa Piolo ko sa teleserye nilang MANGARAP KA? So dalawa na ‘yan, ha!
Ano ngayon ang remedy na kailangang gawin ng mga nagmamarunong sa trabaho nila? Naku, eh di isama si Angelica sa moog na sa teleserye na si Maricel Soriano sa VIETNAM ROSE na sa Vietnam pa kinunan! So, anong nabalitaan na ninyo? Eh di ba nga at ito raw ang pinakamahina sa lahat ng primetime bida ng DOS. They DON’T come in threes, hah? And to think na well-awarded pa mandin ang direktor nitong si Joel Lamangan. Kumikita naman ang lahat ng pelikulang dinirek ni Joel Lamangan at well-awarded pa, why did he "failed" dito sa Vietnam Rose? Is it becoz of Angelica? Sagutin mo ‘yan Carlo Aquino!
Even if you have the best product in the whole world kapag bumagsak naman ito sa mga kamay ng mga hindi marunong MAGBENTA nito, ano pa ba ang aasahan mo kundi sumemplang ito?
Ang una naming tinutulan sa marketing strategy nito ay ang pagbebenta kay Jericho at sa leading lady nito na kunwari ay "nagkakamabutihan" na and that they are seen around dating, shopping, etc. thus making it appear na komo nga tila ON na ang magkapareha, eh uupo ka na at aabangan para panoorin ang PANDAY? Hindi naman kilig movie itong ibinebenta, so why sell it on the wrong footing? Hindi naman naging legend sa box-office ang PANDAY ni FPJ dahil linked siya sa mga magagandang leading ladies niya. SOLO ang pagbebenta kay FPJ bilang bago at kakaibang action hero, isang bidang panlalake, pambata and swoon-in by the ladies!
‘Yung mga naging kapareha ni FPJ mereseng title holders pa just stood on the background, hindi nila inagaw ang limelight sa tunay na bida thus when FPJ shone on his own merits, nandoon siya at inakbayan niya ang mga co-stars niya to share his bounty with them!
Mali ang airtime ng PANDAY. Dapat isinunod na ito pagkatapos ng TV Patrol para pati na Kampanerang Kuba, Mga Anghel na Walang Langit at Vietnam Rose ay mahila pataas sa ratings! Pero AWAY yata talaga ang hanap ng mga nagmamagaling. Sukat ba namang MALI ang relo na ginamit kaya either quarter to nine p.m. or five to nine p.m. ipinapasok ang PANDAY gayung nakauna na ng ilang minuto ang ENCANTADIA at saka lang ipapasok ang PANDAY na aabutan pa ng SUGO. Sandwiched ng dalawang topraters ng GMA-7 ang PANDAY. Eh ano nga ang mangyayari kapag naka-sandwich ka, hindi ba MAIIPIT ka?
Hayun, kinain tuloy ng SUGO ang sandwich sa pook ng ENCANTADIA.
May nagmamarunong sa ABS na nagsabi sa akin, "Tama ‘yun, hitting two birds with one stone". Anong nangyari? Nilunok ng two birds ‘yung stone! Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Yan ang sinasabing paghahangad ng KAGITNA isang salop ang nawala!
Suggestion nga namin, bakit hindi iuna ng FIVE MINUTES man lang ang airing ng PANDAY, una sa time slot ng kalaban para wala nang lipatan pa ng channel thereby sunod-sunod na mapapanood ang iba pang primetime bida? Ayaw nila! Nino? Eh di ng mga nagmamarunong!
Iniharap ko na sa kanila ang apo kong si John-John, my four-year old little darling at aming tinanong.
"John-John, nanonood ka ba ng "Kuba?" Hinde ang sagot ng cute kong apo. Eh ano ang pinapanood mo John-John?
"Darna, tapos Encantadia tapos Sugo!", he rattled off. Kapag tumutok na ang bata sa harapan ng TV, wala nang lipatan pa ‘yan ng channel. Tulad nu’ng nakaabang na si John-John sa Marina tungo sa Krystala, walang makagalaw sa pihitan ng TV, hawak pa ni John-John ang remote control meresang itago niya sa ilalim ng unan niya para walang makaistorbo sa kanyang panonood. And after those, ano ang susunod na panonoorin ng apo ko?
"Tatoons!" meaning Cartoons!
Mula sa The Making of Panday ay gabi-gabi naming tineteyp ang Panday to see to it what is wrong with it. Maganda naman. Fabulous ang bawat eksena. Nothing is wrong. Except sa ibang araw ay masyadong napapahaba ang "Ang Nakaraan" nila shown the night before kaya kakaunti na lang ang naipapalabas na bagong tagpo.
And what more, mukhang ISANG ORAS yata ang KUBA sa tagal at ang PANDAY ay lumalabas na tila FIFTEEN minutes lang sa bilis! Or is it really that SHORT? Ano ba naman ‘yan, Pandak na Short pa?
Nagbabawasan na rin lang ng mga tauhan sa ABS-CBN, siguro it’s about time na kumuha naman ang Papa Gabby ko ng iba at mga bagong rah-rah girls and PROMO men para maiba naman ang slant sa MOVIES at sa TELESERYE nang hindi pare-pareho ang pagbebenta ng commodity sa taumbayan.
Aba, hindi birong salapi ng aking Papa Gabby ang naaaksaya riyan, ‘noh! Tama na ‘yang mga lugi-lugi na ‘yan at ibalik ang glorious days ng ABS-CBN na umuulan ng salapi sa network at total stranger pa roon ang word na FLOP!
Panahon na para ma-regain ng Kapamilya network ang dati nilang score kahit na AYAW pa ni Edd de Leon!
Sana namnamin na ng mga taga-DOS itong aming munting suhestyon at obserbasyon kahit na walang talent fees. Gusto lang naming mabalik ang itim na buhok and debonaire looks ng aking Papa Gabby na pinaputi na at pinatanda na ang hitsura niya ng sangkot-sangkot na problemang hatid ng mga suwelduhan niyang WALA NAMANG ALAM talaga sa business na ito!
Ito na lang po muna while we fish for more palpak-ations!
source:
http://www.abante.com.ph/issue/nov2005/main.htm
Ako ay mahilig sa mga fantasy stories bago pa man yang marina at mulawin. Gandang ganda ako sa Lord of the Rings, yung kwento kasi kahit tragic makikita mo sa mga character matatag sila at haharapin nila yung problema. Hindi ko nga lang matiis yung mga scenes nila Frodo at Sam, parang hindi bagay na habol nang habol si Sam kay Frodo pwera na lang kung bakla sya. Dark at complex ang kwento yung bang mapapaisip ka kung anong pwedeng mangyari. Tapos napanood ko yung encantadia, ang hina ng special effects at yung ibang artista parang tumutula ng linya nila. Pero pag nakita mo yung storyline iba complex hindi tulad ng ordinaryong telanovelo natin na nagsisimula pa lang alam mo na ang katapusan. Tapos pag naririnig ko yung mga dialogue nilang parang gusto kong sumaludo ang tindi ng tagalog. Tapos yung theme nila parang gusto kong isabay sa bayang magiliw dahil tunog na parang conquering and triumphant. So mataas ang expectation ko talaga sa panday lalo na noong nakita ko yung action scenes nila ang tindi. Pero noong napanood ko sobrang simplified ng kwento, sana hindi kaagad kinasal si Eden at Tristan dahil masyadong mabilis ang pangyayari at hindi makarelate ang audience. Kung magkasintahan pa lang sila ay mas maraming possibilities. At bakit pa kasi ang laki ng naging part ng celphone sa first few episodes nagmukha tuloy nakakatawa. Ang suggestion ko gawin sanang dark para may dating. Yung halimbawa sa simula ng WOrld 3(nagawa na ata ang World 2) ay parang walang pakialam si Panday sa mundo ala Prince of Persia o Vagrant Story. Tapos yung theme song ay yung isa sa kanta ng Linkin Park tulad ng crawlin habang naglalakad siya sa isang wasteland. Tapos may batang hihingi sa kanya ng tulong pero ayaw nya sana pero nandiyan na ang mga humahabol kaya nilabanan na rin niya. Pagkatapos noon susunod na ang bata sa kanya pero wala pa rin siyang pakialam pero parang may familiar sa bata kaya pinabayaan na lang niya itong sumunod. Tapos kinalaunan ay magkakwentuhan sila at malalaman nating namatay pala ang asawa ni Tristan kaya para na syang bangag. Tapos madadaan sila sa isang bayan at sa bayan na iyon may isang matandang pulubi na papatayin dahil sa pagnanakaw. Nanakawin noong bata yung pera ni Tristan para pambayad sa kalayaan ng matanda. Malalaman ngayon ni Tristan at susugod sya doon para bawiin ang pera pero huli. Tapos kailangan pa nilang isama ang matanda dahil papatayin pa rin ito kung hindi aalis sa bayan na yon. Tapos pagkaalis nila biglang sasalakayin ang bayan ng isang masamang pwersa. Tapos magtatawag ang bayan na iyon ng mga bayarang mandirigma para ipagtanggol sila pero lahat ay nasawi. Hihingiin ng masamang pwersa ang espada ng panday e nakita ng bayan na dala ni Tristan yun. Samantala si Tristan na nakikipagsapalaran kasama ang bata at pulubi. Pagkatapos ng matagal na paghahanap ay makikita din siya ng mga naghahanap sa espada ng panday at hihilingin sa kanya na tulungan sila, pero kunwari lang pala para makuha nila ang espada. Pero naramdaman na kaagad ito ni Tristan dahil wala na nga siyang tiwala sa mga tao pagkatapos mamatay ng asawa nya. Pero sumama pa rin siya dahil may pabuya raw. Pagdating sa bayan ay aatakihin yung grupo nila Tristan ng mga taong bayan pero talo sila ni Tristan at habang nilalabanan sila ni Tristan ay parang may familiar sa mga taong bayan. Sabay dating naman ng masamang pwersa at nakilala niya agad na Si Eden yun na gustong maghiganti sa mundo dahil sa nangyari sa kanya. Tapos malalaman niyang yung bata ay siya noong paslit pa lang siya at yung pulubi ay sya noong matanda na sya at yung mga taong bayan ang mga niligtas nya pero hindi siya tinatanawan ng utang na loob. Ano kaya ang gagawin ni Tristan ngayong alam na niyang buhay si Eden pero masama na ito? (End song "In the End" by Linkin Park. Yan lang po ang opinion ko, sa ngayon Etheria muna ako pero kung mas mapapaganda pa ng channel 2 ang Panday tiyak papanoorin ko din po yon
mga TANGA.. anu pinagsasasabi nyong natalo ng PANDAY lang ang lahat ng Fantaserye ng GMA espicially DARNA! alam nyo ba na kaya natigil ang pag air ng PANDAY kasi mababa ang ratings at hindi kinagat ng publiko.. maxadong mababaw ang istorya kaya mga low class citizens lang ang nakaka appreciate! in other words hindi kumita! and FYI, alam nyo bang until now ay DARNA ni angel locsin (From GMA) ang may hawak ngh records ng highest rating ever in the Philippine television History? kayya wag kayong mag ambisyon!
Post a Comment
<< Home